Listen to Tagpuan song with lyrics from Abby Asistio

Tagpuan

Abby Asistio12 Oct 2015

Tagpuan Lyrics

Tagpuan - Abby Asistio

Written by:Abby Asistio

 

Naghihintay parin tayo'y magkatagpo

 

Ika'y mamahalin ibibigay aking puso

Para lamang sayo iaalay buhay ko

 

Sagot sa aking panalangin

Ako'y maging iyo't ikaw ay sa akin

Kinalimutan ang lahat ng pagaalinlangan

 

Pagkat ako'y naniniwalang ikaw ay nariyan

Nagdarasal ka rin hinahanap mo ako

 

Mundo nati'y magbabago

Sa oras na malaman ko't malaman mong

Itinakdang maging tayo

Naniniwalang darating ka rin

 

Pagsasamahin ng tadhana

Makakapiling aking mamahalin

Ikaw lang at ako habambuhay

 

Lahat para sayo ay iaalay

 

Pinapangako na magiging tapat at totoo

 

Maaasahan mong karamay

Magtitiwala sayo

 

Kakayanin ang lahat basta't kasama lang kita

 

Ipapamalas na kailangan ko ay tanging ikaw

Magpakailan pa man

Lubos na pagibig sayo lamang ilalaan

Naniniwalang darating ka rin

 

Pagsasamahin ng tadhana

Makakapiling aking mamahalin

Ikaw lang at ako habambuhay

 

Lahat para sayo ay iaalay

 

Sa ating tagpuan

 

Naghihintay naniniwala

 

Ang puso ay maligaya at payapa

Panatag ang loob kahit ngayo'y nagiisa

 

Pagdating ng araw

 

Kapiling na kita

 

Darating ka rin

 

Pagsasamahin ng tadhana

 

Makakapiling aking mamahalin

Ikaw lang at ako habambuhay

 

Lahat para sayo ay iaalay

 

 

Sa ating tagpuan