
May Araw Ka Rin Lyrics
May Araw Ka Rin - Jim Paredes
Written by:Jim Paredes
Balitang balita sa lahat
Ng ating mga kaibigan
Na ako'y iniwan mo
Pinaasa pa nang husto
Napunta na sayo lahat
Pati kotse kong luma
Inaanay kong bahay
Pati aso kong si bantay
Ngunit okay lang
Ganyan talaga ang pag ibig
Ako ngayo'y malungkot at sawi
Ang masasabi ko lang sayo ay
May araw ka rin
Pinagkalat kalat mo pa
Sa dyaryo text at tv
Na ako ay talunan
At walang puntahan
Tiniris tiris mo pa
Ang pogi kong pangalan
At iyong pinagtawanan
Ako'y api apihan
Ngunit okay lang
Ganyan talaga ang pag ibig
Ako ngayo'y malungkot at sawi
Ang masasabi ko lang sayo ay
May araw ka rin
Pakatandaan mo bilog ang mundo
Balang araw ito'y makikita mo
Oooooooohhhhh yeah
Mantakin mo pagkatotoo
Ang sasabihin ko
Na balang araw ay ako
Ay yayaman ng husto
Di mabilang ang salapi
Kotse bahay at alahas
At ikaw ay manunula
At magiging balisa
At sasabihin ko
Ganyan talaga ang pag ibig
Ako naman ang siga at wagi
At pagdating ng araw na yun ay
Haa
Ang masasabi ko lang sayo ay
Wooh wooh
Ang mapapayo ko lang sayo ay
Umm
Manigas ka na lang
Wooh
Manigas ka na lang
Oh