Paano Ipadarama Lyrics
Paano Ipadarama - Myrus
Written by:Roberto Gados
Parang kailan lamang tang ika'y makilala
Hindi inaasahan na ika'y matatagpuan
Parang ika'y biyaya ng langit
Sagot sa aking dalangin
Sana ay ikaw na nga
Ngunit bakit pa naman ako ay huli na
Wala sa tamang oras ang ating pagkikita
Dahil ika'y mayroon ng mahal
Na sayo'y nagmamahal
Sadya nga bang ganyan ang pag ibig
Paano maipadarama sa'yo
Ang init ng pag ibig na alay sa'yo
Kung sakali mang ibigin mo rin
Itong puso ko'y handa kang tanggapin
At asahan mong ika'y pakamamahalin
Tuwing tayo'y magkasama limot ko ang problema
Sa oras na magkausap ligaya ang nadarama
Tinig mo'y kay sarap dinggin
Parang awit na kay sarap ulitin
Sadya nga bang ganyan ang umibig
Paano maipadarama sa'yo
Ang init ng pag ibig na alay sa'yo
Kung sakali mang ibigin mo rin
Itong puso ko'y handa kang tanggapin
At asahan mong ika'y pakamamahalin
Paano maipadarama sa'yo
Ang init ng pag ibig na alay sa'yo
Ngunit paano na aking damdamin
Ngayong hindi ka na maaring mahalin
Dahil puso mo'y pag aari na ng iba
Ohhh
Kung sakali mang ibigin mo rin
Itong puso ko'y handa kang tanggapin
At asahan mong ika'y pakamamahalin