Listen to Binhi song with lyrics from Arthur Nery

Binhi

Arthur Nery25 Oct 2019

Binhi Lyrics

Binhi - Arthur Nery

Lyrics by:Arthur Nery

Composed by:Arthur Nery

'Di ko na nadiligan

Ang binhi ng iyong pagmamahal

Ayoko nang sapilitang

 

Ibuhos ang lahat ng dinadamdam

Ang tangi kong hiling ay mahawakan

Ang iyong mga kamay at daliri

Habang dahan-dahang haplusin ng mga salita

Ang puso mong sabik mayakap 'pag nag-iisa

Kaya tahan na ooh

Sumandal ka ooh

Hayaan mo na aking paglaruan

Apoy ng iyong labi oh paraluman

 

Binibining natutulog

Sa ilalim ng aking mga bulaklak

'Di mababaon sa limot

Ang ligayang hatid ng iyong halimuyak

Alak lamang ang pamunas sa natira

Mong alaalang 'di kumupas at kahit na

Ipilit ko mang ibalik pa ang dati

Tayo'y mawawala pa rin

Kaya tahan na ooh

Sumandal ka ooh

Hayaan mo na aking paglaruan

Apoy ng iyong labi oh paraluman

Ilang araw nang nakahiga

Tuluyan na nga bang ako'y iyong nilisan

Kahit saglit pwede bang mahawakan

 

'Di na kailangang lumayo halika sa akin

'Di na muling mabibigo ako ay yakapin

 

Kaya tahan na ooh

Sumandal ka ooh

Hayaan mo na aking paglaruan

Apoy ng iyong labi oh paraluman

Ilang araw nang nakahiga

Tuluyan na nga bang ako'y iyong nilisan

 

Kahit saglit pwede bang mahawakan

.