Listen to Address song with lyrics from Gary Granada

Address

Gary Granada1 Feb 2012

Address Lyrics

Address (地址) - Gary Granada

Written by:Gary Granada

Kung ika'y may reklamo sa ating mga batas

Na hindi makatao at ang turing di patas

Huwag kang mag atubili na sumulat sa congress

Tiyakin mo lang hane na tama ang iyong address

Ang address ng kongreso ay hindi sa batasan

Kung gusto nyong diretso ang inyong mga liham

To our brilliant lawmakers corporation ng angkan

C/o chamber of commerce makati philippines 2000

 

Kung iba'ng ginagawa at iba'ng sinasabi

Ni commissioner ngawa at ni praise secretary

Kaagad ipaalam sa ating presidente

Basta kumpletuhin lang ang isulat sa sobre

Ang address ng pangulo ay hindi malacañang

Kung gusto niyong diretso ang inyong mga liham

To the leader of the land c/o IMF world bank

UN corner nagtahan manila philippines 2000

 

Kung mayaman na tao at kilalang kriminal

Ay ginagawang santo tinuturing na banal

Sa korte sumulat ka ngunit konting ingat lang

Baka mauna ka pa kaysa doon sa iyong liham

Ang address ng husgado pareho lang sa simbahan

Kung gusto nyong diretso ang inyong mga liham

To the holy trinity praise da lord thy will be done

Camp crame quezon city zip code philippines 2000

 

Bago tayo magwakas may extrang public service

Sila na ang nagbubukas ng sulat sa post office

Ugaliing mag zipcode singbilis ng time machine

Pebrero nang ihulog enero nang dumating

Ito ay katuwaan lang katuwaang totoo

Kung iniisip nyo pang lumiham sa gobyerno

Basta't ang mahalaga'y huwag tularan si isko

 

Habang nasusunog ang bahay sumulat sa bombero

Popular Songs