Listen to Tugmang Preso (Explicit) song with lyrics from Loonie

Tugmang Preso (Explicit)

Loonie18 Dec 2023

Tugmang Preso (Explicit) Lyrics

Tugmang Preso (Explicit) - Loonie

Lyrics by:Marlon Peroramas

Composed by:Marlon Peroramas

Produced by:Neil “Yung Bawal” Raymundo

Isang sikat na Fliptop rapper ang inaresto

Sa Buy bust operation sa Makati City

Siya si Marlon Peroramas

O mas kilala bilang si Loonie

Members of Makati's d**g enforcement unit

Have arrested rapper Loonie

Nakuhanan sila ng ilang pakete ng droga

Miyerkules nung nakaraang linggo

Nang maaresto si Loonie at apat na iba pa

Matapos makumpiskahan ng Kush

For high grade marijuana

Bagamat makulay ang mga pabalat

 

Alam mong mahusay ang pagkakalahad

Mga tunay na ganap isinulat ng pa-rap

Kaya 'wag ka nang magulat

Kung magtutugma lahat

Sapagkat ito'y galing sa memorya

Isang napaka-importante na istorya

Ito ang aking personal na testimonya

Pangontra sa mga ignorante na teyorya

 

Ito ay tunay na buhay

Wala 'kong dahilan para magsinungaling

At mga detalye palitan

Ito ang kwento kung pa'no kami tinaniman ng

Marijuana ng mga parak na mukhang taliban

Bandang alas otso ng gabi sa Pilipinas

Sa isang gusali doon sa may Ortigas

Walang oras bago ang rehas ay mahimas

Kasama ko si Ron Henley ng Stick Figgas

May interview kami sa radyo nung gabi na 'yon

Tungkol sa marijuana at sa legalisasyon

Pagkatapos namin umalis agad sa istasyon

Dahil meron pa 'kong

Pupuntahang isang okasyon

Do'n sa Poblacion birthday daw ni Shawn

'Yun lang alam ko na detalye pa noon

Medyo masama ang panahon umaambon

Kaya tinext ko na si utol

Pumunta ka na ngayon

Humiwalay na si Ron sumakay ng taxi

Dahil bukas may recording pa kami ni Klumcee

Utol kong si Idyll sinundo ako sa lobby

Gamit ang aking Subaru na tunog Ferrari

Saan tayo pupunta Private daw na party

'Yung reception ay isang hotel do'n sa Makati

Bata na may cancer kumontak kaniyang mommy

Idol ako ng anak at rap ang kaniyang hobby

Pangalan daw ay Shawn walang pake sa money

Kasi handang magbayad kahit magkano si daddy

Lumambot ang aking puso nung una ko narinig

Naawa ako kay Shawn mga luha nangilid

Nung nalaman kong lagay na

Daw ng bata tagilid

'Di niyo kailangan magbayad

Pupunta ako sa event

Rekta sa Makati kahit traffic ay kainip

 

Hay

 

Kasama ko si Rude at si Ivan ang sikip

At si Kuya Albert 'yung driver kong mabait

At tsaka si Idyll aking manager at kapatid

Na merong talastimya isang kakaibang sakit

Kailangan niya laging salinan ng dugo

Na pantawid at dahil malapit

lang sa hotel 'yung Makati Med

Sumabay na lang siya sa'min

Para mas makatipid

Sabay ka na para isang kotse na lang

'Yung katabi ko sa back seat

Si Rude Boy at si Ivan

Documentation security at hype man

Bali siksikan kami sa aking tsikot

Wag malikot

Tatlo kaming mga lalaki sa likod

Pagdating sa Makati sakto lang 'yung tayming

Nag-text na rin 'yung mommy at nagsabing

Nag-start na daw 'yung party

Sa basement daw 'yung parking salamat

Sa pagpunta pasok lang kayo darling

Pagbaba ng kotse

Hinanap ko 'yung main floor

May nagpa-litrato sa tabi ng elevator

Idol pwede favor baka pwede magpa-picture

Kasi idol na idol

Ka talaga ng anak ko na grade four

Yeah four

Nag-selfie kaming dalawa sa kaniyang razor

Tapos tinutok sa'kin 'yung

Baril ni terminator positive sir

Pero bilang na rator lagyan natin ng flavor

Para 'di masyadong halata 'yung

Trauma ko na major what the ****

Nakakagulantang 'sang katutak na ninja cops

Sa amin ang tumambang

Parang WuTang Clan lang

Lampas sampu lumabas sa van

Pasensya na idol napag-utusan lang

Humakbang paatras at wala nang nagawa

Tinutukan ng beretta sa mukha

Pinadapa pinosasan

Pilit pinapatingin sa baba

Mga bulsa namin isa-isa nilang kinapa

Akala ko kidnap for ransom ang sadya o

Kaya baka prank lang 'to na malala

'Langhiya

 

Dapa dapa dapa

Kamay sa likod tingin sa baba dapa sabi eh

Nakadapa kami habang napapanood ng aking

Utol na kasalukuyang naka-bukod

May tinabi silang kahon

Malakas kaniyang kutob na meron 'tong

Mga lamang kontrabando sa loob

Tsaka na lang silang nagpakilalang mga parak

Nung isa na sa mga kasama nila nasapak

Walang uniporme at naka maskara lang

Lahat walang Mirandang binasa

Basta basta lang agad my God

Sikat na hotel

At nakakapagtaka'y maraming CCTV

Lahat nakapatay

Wala man lang body cam na nakalagay

Kahit kuha man lang ng cellphone

Gamit kamay sabi daw ng pulisya

Sa'kin daw nakumpiska pero 'di makumpirma

Kasi walang kahit ni isang saksi na pumirma

Walang video ng palitan magmula nung umpisa

Kung under surveillance pala dapat

May footage ka

 

'Di ba Kung under surveillance pala

Dapat may footage na

Kung normal na tao nagva-viral

'Pag nahuli siya

Paano na lang kaya kung si Loonie pa

Nung nasagot ko 'yung PDEA at aking kinondena

Mga ulo nila bigla nagkaroon ng bumbilya

Para ma-promote sa pwesto

Ako ang pinuntirya

Ng mga ninja cops na gustong magbida-bida

'Di ba 'di ba

Bigla silang nakaisip ng ideya kasi napanood

Nila 'yung live ko sa PDEA

Nung binan nila 'yung kantang

Amatz dahil sa tema

Pero Maria Hiwaga ni Sassa walang problema

Aba punyeta talamak na ang taniman

Buy bust daw kaso bakit parang madalian

'Di ba dapat pinaghahandaan 'yan

At kalimitan minamanmanan ng malayuan

Malapitan

May mga camera na nakatago sa pagitan kaya

Medyo weirdo kasi walang video ng palitan

Akala ko ba buy bust 'to

Na malakihan nakakapagtaka lang kaibigan

 

Gusto mong maintindihan at mabatid

Gamitin mo lang ang sentido kumon kapatid

Para sa isang daang libro magpapaka-astig

Kayang-kaya ko 'yang kitain ng

Triple isang gig at kung pusher man ako

Na sinasabi nilang w**d

Bakit naman ako pa mismo maghahatid

Ni hindi nga ako lumalabas ng bahay tsaka

Bihira mong makita sa kalsada tumawid

At bakit ako magbebenta sa 'di ko kakilala

Kung sa eksena ko ay maraming nagma marijuana

Bakit ko papahirapan ang sarili ko habang

Sinusugal ang karerang matagal

Kong pinagsikapan bakit isasama ko pa 'yung

Kapatid kong may karamdaman

At camera man para mag-vlog ng kaganapan

Walang saysay na mga paratang

Pawang haka haka

Lamang para pangalan ko ay yurakan

Alam kong meron akong mga paa na natapakan

Ngunit 'di ko 'yon sinasadya

Ako ay tao lamang

Pinaglaban lang ang paglikha

Ng merong kalayaan at kung 'yon ay masama

 

'Yun lang ang aking kasalanan

.