
Panalangin Sa Pagiging Bukas Palad Lyrics
Panalangin Sa Pagiging Bukas Palad - Bukas Palad Music Ministry
Written by:Salin ni Tim Ofracio SJ
Panginoon turuan mo ako
Maging bukas palad
Turuan mo akong maglingkod sa iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa 'yo
Nang makibakang di inaalintana
Mga hirap na dinaranas
Sa tuwina'y magsumikap na
Hindi humahanap
Ng kapalit na kaginhawaan
Na 'di naghihintay kundi
Ang aking mabatid
Na ang loob mo'y siyang sinusundan
Panginoon
Turuan mo ako maging bukas palad
Turuan mo akong maglingkod sa iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa 'yo