Liwanag Lyrics
Liwanag - Ronnie Liang
Written by:Marlon Diez Barnuevo
Tunay na mahiwaga ang pag ibig na inalay mo
Nabibighani sa iyong ganda't pagkatao
Ngayong ikaw ay akin
Ako'y bihag ng ligaya mong hatid
Dahil nang makilala ka'y nagbago ang aking mundo
Naniniwala na ang buhay ko'y para sa 'yo
At sinong magsasabi
Na ika'y hindi laan para sa 'kin
Pag ibig mo'y liwanag na bumabalot
Sa puso kong tila limot na ng panahon
Dahil sa 'yo ngayo'y nasisilayan
Tamis ng iyong halik
Ang yakap mong kay init
Ang tunay kong liwanag
Ang pagmamahalan natin ang s'yang yaman ko
Kahit kanino ay ipaglalaban ko ito
At kahit may humahadlang
'Di mapipigil ang nararamdaman
Pag ibig mo'y liwanag na bumabalot
Sa puso kong tila limot na ng panahon
Dahil sa 'yo ngayo'y nasisilayan
Tamis ng iyong halik
Ang yakap mong kay init
Ang tunay kong liwanag
Mga mata'y nagniningning
Ikaw ang ligaya
Pagmamahal kay sigla
Pag ibig mo'y liwanag na bumabalot
Sa puso kong tila limot na ng panahon
Dahil sa 'yo ngayo'y nasisilayan
Tamis ng iyong halik
Ang yakap mong kay init
Ang tunay kong liwanag
Ika'y aking liwanag