Iyung Angkin Lyrics
Iyung Angkin - Cholo Mallillin
Written by:Manuel V. Francisco SJ/Rene Oliveros SJ
Kay hirap pala sinta
Mapamahal sa 'yo
Hindi kita maunawaan
Hindi kita maramdaman
Kay hirap pala sinta
Mapalayo sa 'yo
Kay tinding kalungkutan
Poon huwag mo akong iwanan 'pagkat
Saan ka man naroroon sasama ako Poon
Sa bundok man karagatan
Sadya kong kita'y makapisan
Ligaya mo'y saya ko rin
Lumbay mo ay lungkot ko rin
Naisin mo'y hangad ko rin
Pagka't puso ko'y iyong angkin
Ninanasa kita tuwina
Hanap ang 'yong halik
Pagka't tanging ikaw ang
Kahulugan ng aking buhay kaya't
Saan ka man naroroon sasama ako Poon
Sa bundok man karagatan
Sadya kong kita'y makapisan
Ligaya mo'y saya ko rin
Lumbay mo ay lungkot ko rin
Naisin mo'y hangad ko rin
Pagka't puso ko'y iyong angkin wooh
Ligaya mo'y ligaya mo'y
Saya ko rin ooh
Pati lumbay mo ay lungkot ko rin
Lumbay mo ay lungkot ko rin
Naisin mo'y hangad ko rin
Ooh ooh
Saan ka man naroroon sasama ako Poon
Sa bundok man karagatan
Sadya kong kita'y makapisan
Ligaya mo'y saya ko rin
Lumbay mo ay lungkot ko rin
Naisin mo'y hangad ko rin
Pagka't puso ko'y iyong angkin
Ligaya mo'y saya ko rin
Lumbay mo ay lungkot ko rin
Naisin mo'y hangad ko rin
Pagka't puso ko'y iyong angkin