Listen to Himig Ng Pag-Ibig song with lyrics from Pio Balbuena

Himig Ng Pag-Ibig

Pio Balbuena, Lolita Carbon18 Mar 2019

Himig Ng Pag-Ibig Lyrics

Himig ng Pag-ibig - Pio/Lolita Carbon

Eto ang awit ng pag ibig

Ikaw ay makinig sa tinig

Pagmamahalang abot langit

Kasing saya ng ibong himihimig

Nagmamahalang tunay

May buhay na makulay

Pangako sa Isa't isa'y kahit na kailan pa ma'y

Hindi na maghihiwalay

Sa pagsapit ng dilim

 

Ako'y naghihintay parin

 

Sa iyong maagang pagdating

 

Pagkat ako'y nababalisa

 

Kung 'Di ka kapiling

 

Bawat sandali

 

Mahalaga

 

Sa akin

 

Mahal kong sinta

Kumusta kana

Ako'y may kaba buhat ng umalis ka

Nung isang buwan ay sinulatan kita

Ngunit hanggang ngayon ang sagot mo'y

Wala pa nag aantay ang ating mga anak

Kaming lahat ay sabik sa iyong yakap

Mula ng madistino ka sa probinsya

'Di ako mapakali 'Pag wala ka

Naaalala mo pa ba ang

Masasaya natin na nakaraan

'Di ba't pangako mo sa akin pagtapos ng laban

Kami ay ka agad mong babalikan

Lagi mo nalang pinagtatanggol ang bayan

Matapang na humaharap sa digmaan

Pagmamahalan 'Wag sanang matabunan

Ng mga luha

At kalungkutan

Sana'y makabalik ka ng ligtas

Yan ang laging dalangin sa taas

Alam kong may tungkulin ka sa batas

At hindi ka pwedeng basta kumalas

Gayon pa man aantayin ko parin

Ang iyong maagang pagdating

Hanggang sa umangat man ang araw

At maging sa pagkagat ng dilim

Mga bakal may mainit na bala

Pagsabog ng mga granada at bomba

Yan ang madalas mong makasama

Laging dalagangit san man magpunta

Ang sulat ko sana'y iyong sagutin

Upang mabawasan ang kaba sa damdamin

Pagmamahal ko ay iyong baunin

At dinggin ang aking hiling

 

Tulad ng ibong malaya

 

Ang pag ibig natin

 

Tulad ng langit

Na kay sarap

 

Marating

 

Ang bawat tibok ng puso

Kay sarap damhin

 

Tulad ng himig na kay sarap

 

Awitin

 

Ako ay nagulat at ang paningin ay tulala

Nang bigla kang dumating

Tuluyang tumulo ang aking luha

Ika'y hinatid nila sa akin

Kasama ng sulat mong aking binasa

Habang ika'y nasa aking harapan

Parang leeg ko'y nakakadena

Sa iyong sulat sinabe mo na

Mahal na mahal kita aking asawa

Pati na ang dalawang mga bata

Sila ay busugin mo sa alaga

Kung sakali man ako'y 'Di palarin

At maging buhay ko ay bawiin

Laban sa rebeldeng kapwa pinoy

Digmaan dito ay umaapoy

Lagi mo lamang na tatandaan

Pag ibig ko sa'yo ay walang hanggan

Dadalhin hanggang sa kalangitan

'Wag malungkot at ikaw ay maging matapang

At dapat handa ka sa hamon ng buhay

Nandito lang ako at nakapatnubayan

Lamang at ang tangi kong mga hiling

Pangako ko lagi kang mamahalin

'Yan ang iyong liham na aking nabasa

Sundalo ng buhay ko mahal kita

Pag ibig ko sayo'y walang kapalit

Nang nagbalik ka ay napakasakit

Ika'y umalis sa aming nakatayo pa

Dumating ka bakit nakahiga na

Nakabalot sa kumot na puti

Damang dama ko ang sakit at hapdi

 

At ngayong ikaw ay

Nagbalik

 

Sa aking piling

 

Luha ng pag ibig kay sarap

 

Haplusin

 

Tulad ng tubig

 

Sa batis

 

Hinahagkan ng hangin

 

Pag ibig

Ang ilaw

Sa buhay natin

 

Tinatanong ko ang aking sarili

Bakit sa akin pa ito nangyari

Lumuluha ang aking damdamin

Nang ako ay iyong lisanin

Huling pagkakataon para

Ikaw ay aking mahawakan

At habang hawak ko ang iyong kamay

Awitin ang himig nang magkasabay

 

Tulad ng ibong malaya

 

Ang pag ibig natin

 

Katulad din ng langit

 

Na kay sarap

 

Marating la la la la

Ang bawat tibok ng puso

 

Kay sarap damhin

 

Tulad ng himig

Ng pag ibig

 

 

Natin la la la la la