Listen to Memories song with lyrics from Sheryl Cruz

Memories

Sheryl Cruz2 Jan 1989

Memories Lyrics

Eskwela barkada sa lakad sama-sama

Lambingan tawanan tuksuhan at kurutan

Kapag naro'n ka lalong masaya

Hinding-hindi ko na malilimot pa

Ambagan librehan sa disco o meryenda

Bulungan ngitian may halo pang tampuhan

May ligaw-tingin bating malambing

Malinaw pa sa aking alaala

Memories puno ng saya kasama kita

Makulay at kay ganda

Memories nating dalawa ay mahalaga

Yaman kita sa aking memories

 

Kwentuhan tsismisan maghapong telebabad

May theme song sa radyo ganda'y walang katulad

Magbuhat noon hanggang sa ngayon

Parang nagbabalik ang kahapon

Memories puno ng saya kasama kita

Makulay at kay ganda

Memories nating dalawa ay mahalaga

Yaman kita sa aking memories

 

Magbuhat noon hanggang sa ngayon

Parang nagbabalik ang kahapon

Memories puno ng saya kasama kita

Makulay at kay ganda

Memories nating dalawa ay mahalaga

 

Yaman kita sa aking memories

 

Memories nating dalawa ay mahalaga

 

Yaman kita sa aking memories