Listen to Tsinelas Sa Putikan song with lyrics from Gloc 9

Tsinelas Sa Putikan

Gloc 9, Marc Abaya1 Jan 2013

Tsinelas Sa Putikan Lyrics

Tsinelas Sa Putikan - Gloc-9

Written by:Aristotle C. Pollisco

 

Ilakad ang tsinelas sa putikan

 

Humakbang kahit na mahirap

Iyong mga paa'y madudumihan

Palatandaan ng pagsusumikap

Bumangon sa hamon

Lalaban at hindi ka na papayag

Magpa agos sa alon

Sabay nating itataas ang layag

Ilakad ang tsinelas sa putikan

 

Humakbang kahit na mahirap

Iyong mga paa'y madudumihan

Palatandaan ng pagsusumikap

Bumangon sa hamon

Lalaban at hindi ka na papayag

Magpa agos sa alon

Sabay nating itataas ang layag

Barong barong barong barong

Patong patong patong patong

Bulok na bahay bulok na bahay

Kalong kalong ng lupang 'Di sa amin 'Di sa amin

Sako sakong dasal 'Wag palayasin palayasin

Halo halong mga sana na nagka dikit dikit

Parang kapit mo sa gamit na nagka ilit ilit ilit ilit

Maniningil na pagkakulit kulit

Sa kakarampot mong naipon na nagkapunit punit

Lumang bente singkwenta maswerte kung isangdaan

Para kang binenta pagkatapos ay dinaganan

Ng kalang sinilaban lutuang walang laman

Kaliwa o pakanan alam mo pa ba ang daan

Tinatapakan tinatapakan pinupulaan

Sinabihan ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang

Maraming nakaharang kahit magsabing paraan

Minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan natitirang paraan

Ilakad ang tsinelas sa putikan

Humakbang kahit na mahirap

Iyong mga paa'y madudumihan

Palatandaan ng pagsusumikap

Bumangon sa hamon

 

Lalaban at hindi ka na papayag

Magpa agos sa alon

Sabay nating itataas ang layag

Sawang sawa ka na ba

Gusto mo nang magmura

Sumigaw umayaw

Bumitaw kung baga

Tila kumupas na'ng mga guhit guhit

Sa mga palad ang hiling ay hindi madinig dinig

Tuyo at lumalatay kapag hinablit ka ng silid

Walang maaaning bunga kahit dilig ka ng dilig

Kumandirit dahil baka may magising nakakahiya

Bagkus humalagpos ang poste ng bahay at gumiba

Kumayod na parang wala kang karapatang humiga

Kumurap kahit na ayaw mong kapalan ang mukha

Tinatapakan tinatapakan pinupulaan

Sinabihan ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang

Maraming nakaharang kahit magsabing paraan

Minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan natitirang paraan

Ilakad ang tsinelas sa putikan

 

Humakbang kahit na mahirap

Iyong mga paa'y madudumihan

Palatandaan ng pagsusumikap

Bumangon sa hamon

Lalaban at hindi ka na papayag

Magpa agos sa alon

Sabay nating itataas ang layag

Ilakad ang tsinelas sa putikan

Humakbang kahit na mahirap

Iyong mga paa'y madudumihan

Palatandaan ng pagsusumikap

Bumangon sa hamon

Lalaban at hindi ka na papayag

Magpa agos sa alon

 

Sabay nating itataas ang layag