Listen to Sayang song with lyrics from Parokya Ni Edgar

Sayang

Parokya Ni Edgar1 Jan 2004

Sayang Lyrics

 

Sayang (亲爱的) - Parokya Ni Edgar

Written by:Chito Miranda

Sayang bakit hindi kita niligawan

 

Ngayon ako'y nanghihinayang

Kasi naman tatangatanga pa ako noon

 

Walang humpay na paghintay sa hindi

Dumarating na pagkakataon

 

Lagi naman kitang nakakasama

Ewan ko kung bakit ba wala pa ring nagagawa

Kahit na napakadali mong kausapin

Ewan ko ba kung bakit ang hirap pa ring aminin

Madalas naman tayong naglolokohan

Dinadaan ko nalang sa biro ang tunay kong nararamdaman

 

Kaya siguro hindi mo sineryoso ang aking mga sinabi

'Yan tuloy walang nangyari

Sayang bakit hindi kita niligawan

Ngayon ako'y nanghihinayang

Kasi naman tatangatanga pa ako noon

 

Walang humpay na paghintay sa hindi

Dumarating na pagkakataon

 

Kakalipas lamang ng isang sem

Nung makita kita na mayroon ibang kasama

 

Magkahawak ang inyong mga kamay

Ang dibdib ko ay sumikip

Ang paglunok ko ay naipit

 

Aking napatunayan na nasa huli ang pagsisisi

 

Para bang gusto kong umiyak ngunit para saan pa

Wala namang magagawa

Sayang bakit hindi kita niligawan

Ngayon ako'y nanghihinayang

Kasi naman tatangatanga pa ako noon

 

Walang humpay na paghintay sa hindi

Dumarating na pagkakataon

 

Pagkakataon

 

Pagkakataon

 

 

Pagkakataon