ARÁL Lyrics
ARÁL - Loonie/Apekz/Ron Henley/Abra
Lyrics by:Loonie Peroramas
Composed by:Loonie Peroramas
Produced by:YUNG BAWAL
May isang manunula
Galing sa dilaw puti asul pula
Makamandag kapag dumudura
Punong puno na yung mga pumupuna
Wag puro kuda
Pag nakatutok tyak matututo ka
Kayang tumugma kahit natutulog pa
Bawat rima siksik sa pulbura
Kada may ibabagsak parang bomba
Naglalaman ng nuklear yung nukleo at mga kromosoma
Parang oso na nakalunok ng coca
Aral na parang meron toga
Alam ko kung kapos o sobra o kung san babagsak yung bola
Markang iniiwan ay may bilang kaya di lang puro salita
Meron pang aral na di mo mapupulot sa iba
Unipormeng pinaglumaan upuan na sinulatan
Pag-aralan para di bulag saking kinamulatan
Para malaman mo na yung mga labi mo'y bagay sa talampakan ko
Puno ng kumpyansa kaya ang mukha ko lalong kumapal
Di lang kinabisado talagang aral kaya tumagal
Baon ko'y mga letrang pang eskrima
Gamit ang de kahoy na pluma ng sinaunang eskriba
Inukit ng kanang kamay ni shiva
Tagapaghatid ng mga pangmesiyas na propesiya
Isa-isang inupuan mga gawaing-bahay
Ramdam ko na hanggang sa batok ko nakakangalay
Wala mang agarang gantimpala makikibagay
Sampung libong oras ang sinadyang pagsasanay
Di lang to basta mairaos
Hakbang kelangang isaayos
Eto na yung napiling sapatos
Mula edad disi sais anyos
Langoy hangga't di humahangos
Sa pagsagwan hindi natatapos
Bakasakaling makagawa ng dalawang alon sa iisang agos
Garantisadong may basbas ng Maykapal
Sinamahan ko ng kilos ang gramo gramong dasal
Pataas lang ang buga parang bunganga ng taal
Di lang basta praktisado talagang aral
Kilalang hibang klase ang superego
Sigmund siko-analitiko
Puwersa ko mala-Enki subersibo
Anunnaking siyentipiko
Tungkulin kusilbahin ang sining gamit retorika diyalektiko
Kahit sarili ko lang ang kausap ko
Anumang lalim ay sisid ko
Palabirong ito napakapilyo
Dating lagi lang
Happy-go-lucky 'to hangga sa mommy ko matigok
Buhay nahinto naging rocky road
Mapait na matamis na 'di mo maintindihan
Ba nangyayari 'to
Anumang mangyari mangyayari 'to
Kaya sulitin ang oras habang narito
Saksi ko si Asherah
Inang kalikasan ang power up
Kasikatan ang handicap
Katibayan ang magic lamp
Ba pinanganak matik rap natural
Pati acting chops
Choppy flow niyo tunog Charlie Chaps habang godly flow
Kumbaga great flood
Mula pa sa Tusita
Bumisita saglit bilang turista
Ilang ulit na naulila
Sa mundong puro oportunista
Masokista na Budista
Gabayan pati mga manunuligsa
Marunong gumitna talagang aral
May pagka-Da Vinci pa kung puminta brraa
Minani ko ang Mensa exam mala Nikola Tesla
Pag inunat ang utak kayang palibutan ang Edsa
Mga obra maestrang parang ipinasok sa selda
Habang reclusion perpetua na ang hinarap kong sentensya
Singhaba ng dinaanan ko hinanda kong pasensya
Michelangelo Buonarroti nung tinatapos ang Piet
Bawat piraso ng letra mala Picasso ang pyesa
Pag ganyan kataas ang halaga
Malamang di ganong mabenta
Pero di ko habol ang pera
Preparado sa giyera
Kabisado ang laro parang beteranong atleta
Kilalang tigabago ng meta
Delikado ka repa
Magpasalamat ka nakulong ako
At nakapagpahinga nung pandemya
Biglang nag iba yung eksena
Daming mga batang umentra
Tanda ko na yata punyeta
Dinaan ko na sa eksperyensya
Napakatagal naming sinaliksik ang sistema
Talagang aral kahit ibahin pa ang eskwela