Listen to Kung Ayaw Mo Na Sa Akin song with lyrics from Gary Granada

Kung Ayaw Mo Na Sa Akin

Gary Granada1 Feb 2012

Kung Ayaw Mo Na Sa Akin Lyrics

Kung Ayaw Mo Na Sa Akin - Gary Granada

Written by:Gary Granada

 

Kung ayaw mo na sa akin

 

Wala akong magagawa

 

Hindi mo na kakailanganing

Magdadalawang salita

 

Kung ayaw mo na sa akin

Sabihin lang ang totoo

Para minsanan na lang ding

Luluha ang puso ko

 

Datirati pag ako'y nagkwento

 

Pumupungay ang iyong mga mata

 

Ngayo'y kahit original ang jokes ko

Hinding hindi ka na natatawa

Di na tayo nanonood ng sine

O kaya'y magpusoy dos man lang

 

Noo'y gustunggusto mo laging maglibre

Ngayo'y di mo na ako pinauutang

Kung ayaw mo na sa akin

Wala akong magagawa

Hindi mo na kakailanganing

Magdadalawang salita

Kung ayaw mo na sa akin

Sabihin lang ang totoo

 

Para minsanan na lang ding

Luluha ang puso ko

 

Di mo na ako kinakausap

 

Di mo na ako inaakbayan

Namimiss ko na ang iyong mga yakap

Di mo na ako hinahalikan

 

Di ka na sumisipot sa usapan

Parang di mo na ako mahal

 

Di mo man lang yata nabalitaang

Kalalabas ko lang sa ospital

Kung ayaw mo na sa akin

 

Wala akong magagawa

 

Hindi mo na kakailanganing

Magdadalawang salita

Kung ayaw mo na sa akin

Sabihin lang ang totoo

Para minsanan na lang ding

Luluha ang puso ko

 

Nakita kita kahapon

 

May kaholding hands ka pa

Gaya rin natin noon

Nag uumapaw ang saya

Tila napaibig ka na rin

 

Sa matangkad mong kasama

Di mo na napapansing

 

Mas guwapo ako sinta

 

Ngunit kung ayaw mo na sa akin

 

Wala akong magagawa

 

Hindi mo na kakailanganing

Magdadalawang salita

Kung ayaw mo na sa akin

 

Sabihin lang ang totoo

Para minsanan na lang ding

Luluha ang puso ko

Kung ayaw mo na sa akin

Masakit man ang totoo

Kung talagang ayaw mo na sa akin

 

 

Ayaw ko na rin sa iyo

Popular Songs