Pauwi Na Lyrics
Pauwi Na - Ann Hortaleza-Galvez
Written by:Manuel V Francisco SJ/Roy Tolentino
Pauwi na sa tahanan mo
Pabalik na sa iyo
Tanggapin at kupkupin
Kapatid namin sa 'yong piling
Kami ma'y nalulumbay
Siya ngayo'y naglalakbay
Mga anghel ang gagabay
Tungo sa iyong kamay
Pauwi na sa tahanan mo
Pabalik na sa iyo
Tanggapin at kupkupin
Kapatid namin sa 'yong piling
Ang lungkot 'yong pawiin
Ang pait 'yong paghilumin
Sa aming magkawalay
Pag ibig mo ang tutulay
Pauwi na sa tahanan mo
Pabalik na sa iyo
Tanggapin
At kupkupin
Kapatid namin sa 'yong piling
Pagkukulang patawarin
Kabutihan huwag limutin
Sa kamatayan siya'y hanguin
Buhay niya'y 'yong ganapin
Pauwi na sa tahanan mo
Pabalik na sa iyo
Tanggapin at kupkupin
Kapatid namin sa 'yong piling