Listen to Lipad Ng Pangarap song with lyrics from Arman Ferrer

Lipad Ng Pangarap

Arman Ferrer11 Dec 2019

Lipad Ng Pangarap Lyrics

Lipad Ng Pangarap - Arman Ferrer

Lyrics by:Nathanael Arnel Almonte De Pano

Composed by:Nathanael Arnel Almonte De Pano

Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo

 

Ang pangako ng walang hanggang bukas

 

Pabaon man sayo'y hapdi ng puso

 

Aabutin ang pangarap

 

At ang bunga ng wagas mong pagsisikap

 

Pag-unlad nitong bayang nililiyag

 

Kapalit ng dalamhati't paghihirap

 

Pag-angat ng kabuhayang marilag

 

Liparin mo ang hangganan ng langit

Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit

Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi

Pangarap ng inang bayang tinatangi

 

Tutularan ka ng sunod na salinlahi

Kapuri-puring pag-aalay ng lakas

Nagpupugay sa makabagong bayani

Ang buong bansa'y nagpapasalamat

Liparin mo ang hangganan ng langit

Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit

Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi

Pangarap ng inang bayang tinatangi

 

Ingatan mo ang lipad ng pangarap

Umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay

Na kamtin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal

Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay

Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay

 

 

Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay

Popular Songs