Listen to Di Ako Iiyak song with lyrics from Troy & Gabriella

Di Ako Iiyak

Troy & Gabriella1 Jan 2001

Di Ako Iiyak Lyrics

Di Ako Iiyak - Gabriella

Lyrics by:L Berrie/Danny Subido

Composed by:Danny Subido/L. Berrie

Kapeng aking tinitimpla

 

Lagi ngayong lumalamig

Hindi ko malaman kung

Kulang sa tamis

 

Tasang walang kibo

Sa aki'y nakatitig

Ako't siya ay naghihintay

Masagi ng iyong bibig

 

Buhok na mahaba

Iniingat-ingatan ko

 

Noong isang linggo'y

Pinaputulan Ko ito

 

Marahil ay pagod lamang

Ang Iyong isipan

At di mo napansin

At hindi tinutulan

H'wag kang mag-alala

Di ako iiyak

Hindi magdaramdam

Kahit na ga-patak

Akoy pinulot mo

Sindumi ng burak

Binigyang pangalan

Itong aking Anak

 

Pintong dati-rati'y bukas

Sa IyOng pag-dating

Ngayo'y naka sara

At panangga sa hangin

Pag ikaw ay dumalaw

Ito ay katukin

 

Kahit mahina pa

Itoy aking Sasagutin

Kay linis ng silid

 

Walang nagkakalat

 

Medyas at sigarilyo'y

Walang naghahanap

 

Sanggol na nasanay

Akala ay ama

Ngayo'y natutulog

Ito kahit nag-iisa

H'wag kang mag-alala

Di ako iiyak

Hindi magdaramdam

Kahit na ga-patak

Pag-ibig na minsan

Sa iyo'y dinanas

Sa tulad kong putik

Tama na at sapat

 

H'wag kang mag-alala

Di ako iiyak

Hindi magdaramdam

Kahit na ga-patak

Pag-ibig na minsan

Sa iyo'y dinanas

Sa tulad kong putik

 

Tama na at sapat

Popular Songs