Panyo Lyrics
Panyo - Acel Bisa van Ommen
Written by:Acel Bisa van Ommen
Kaibigan kung may luha sa iyong mga mata
Kaibigan kung may kirot at hapdi na nadarama ang puso mo
Ako ang panyo na magpapawi sa'yong mga luha
Ako ang tanglaw na gagabay sa iyong bukas
At hindi ka na magiisa andito lang ako
Lagimo aksana
Kaibigan kung may takot sa dilim na dinaraanan
Kaibigan magtiwala ka lang 'pagka't 'di kita iiwan
Ako ang panyo na magpapawi sa'yong mga luha
Ako ang tanglaw na gagabay sa iyong bukas
At hindi ka na magiisa andito lang ako
Lagi mong makakasama
Hangga't may bukas may pagasa
Lulubog ang araw ngunit sisikat din
Sa pagibig na daloy ay may kalakasan
Ito'y kakayanin natin
Kakayanin natin