Listen to Kapag Sinabi Ko Sa Iyo song with lyrics from Gary Granada

Kapag Sinabi Ko Sa Iyo

Gary Granada1 Feb 2012

Kapag Sinabi Ko Sa Iyo Lyrics

Kapag Sinabi Ko Sa Iyo - Gary Granada

Written by:Gary Granada

 

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal

 

Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal

 

At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan

 

O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan

 

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig

 

Sana'y maunawaan mo na ako'y taga daigdig

 

Kagaya ng karamihan karaniwang karanasan

 

Daladala kahit saan pang araw araw na pasan

 

Ako'y hindi romantiko sa iyo'y di ko matitiyak

 

Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyak

 

Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot

 

Ngunit kung di pa maganap sana'y huwag mong ikalungkot

 

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta

 

Sana'y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata

 

Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan

 

Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan

 

Halina't ating pandayin isang malayang daigdig

 

Upang doon payabungin isang malayang pag ibig

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo

 

 

Sana'y ibigin mo ako kasama ang aking mundo

Popular Songs