Listen to Ako song with lyrics from FLORANTE

Ako

FLORANTE1 Apr 2019

Ako Lyrics

Ako - FLORANTE

Nang ako ay dumating dito sa bayan mo

Ang kasama ko ay kombo

 

Mayrong anim na buwan kaming nagkalampagan

Ng aming gamit sa pagtugtog

 

Subalit may kontrata kaming pinirmahan

At labing isang buwan kaming nagkalampagan sa japan

 

Ako ay bumalik dito sa pilipinas pagkat ang kombo ko ay nalansag

 

Ngunit hindi inabot

Ng ganoong katagal may bagong kombo akong itinatag

 

Kay husay o ang galing marami ang humanga

Ngunit ang miyembro'y nagsiyabang at kami ay nagkasira

 

May dahilan ba kong magsolo

 

Wala akong problema sa miyembro

 

Kahit anong oras mag ensayo garantisadong walang obligado

 

Dito sa bayan mo ako ay nakilala

Sa pag gigitara at pagkanta

 

Walang dramista organista o bahista ako sa pagtugtog ay nag iisa

 

Kung minsan ay namamalat

 

Ang boses ko'y pumipiyak

 

Kaya pasensiya na kayo

Dito sa boses kong basag

 

May dahilan ba akong magsolo

 

Wala akong problema sa miyembro

 

Kahit anong oras mag ensayo

 

Garantisadong walang obligado

 

Kung minsan ay namamalat

 

Ang boses ko'y pumipiyak

 

 

Ngunit ako ay maligaya kung kayo'y pumapalakpak

Popular Songs