Ako'Y Sa 'Yo Lyrics
Ako'y Sa 'Yo - Aiza Seguerra
Ikaw na ang may sabi
Na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong
Ang pag ibig mo'y di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba
Di ba nila alam
Tayo'y nag sumpaan
Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang
Kahit anong mangyari
Pag ibig ko'y sa'yo pa rin
At kahit ano pa
Ang sabihin nila'y ikaw pa rin ang mahal
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung di ka makita
Makikiusap kay bathala
Na ika'y hanapin
At sabihin ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang
Umasa kang maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung di ka makita
Makikiusap kay bathala
Na ika'y hanapin
At sabihin ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang