Listen to Superhero Mo (Theme From "Victor Magtanggol") song with lyrics from Ex Battalion

Superhero Mo (Theme From "Victor Magtanggol")

Ex Battalion, Alden Richards27 Mar 2019

Superhero Mo (Theme From "Victor Magtanggol") Lyrics

Superhero Mo (Victor Magtanggol Theme Song) - Ex Battalion/Alden Richards

Lyrics by:Ex Battalion

Composed by:Ex Battalion

Handa 'kong ibigaylahat ng yaman sa mundo

Handa akong makipaglaban para lang sa iyong gusto

Handa ako na sumugal handang mamatay para sa iyo kung kailangan

Ako ang superhero mo handa kang ipaglaban

'Wag kang matakot ako ay nandirito

At pag-ibig ang babalot sa atin at hindi ko

Papabayaan na masaktan at masugatan ka

Pisikal o sa pakiramdam man dahil ako

Ang superhero mo

Dapat sa akin ay hindi ka sana maghinala

Ako na ang bahala sa'kin ka humawak

'Wag kang mabahala lahat ay makakaya

Basta para sa'yo handa akong lumaban

Ikaw lang at ako lalaban sa buong mundo

Basta't tayo ay magkasama hanggang dulo

Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo

Handa akong makipaglaban para lang sa iyong gusto

Handa ako na sumugal handang mamatay para sa iyo kung kailangan

Ako ang superhero mo handa kang ipaglaban

Ako ay laging nakatingin nakamasid palagi saan ka man makarating

'Di mo lang pansin binabantayan kita nang palihin

Para sa tuwing mapapahamak kaya kang sagipin

Ako ay nandito para sa'yo lahat gagawin ko

Pipiliting ibigay anumang hilingin mo

'Di ako nandito para magpaka-weirdo

'Di mo lang alam handa 'kong magpakahero

Ako ang haharang 'wag ka lang mahirapan

Ako ang sasalo ng mga bubog sa daanan

Para lamang 'di masugatanang 'yong talampakan

Aalagaan ka kahit wala kang karamdaman

Kung kailangan dahil para sa'kin

Ganyan ka kahalaga kaya kung kailangan

Gagawin ako ang lahat kahit ako ay mapasama

Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo

Handa akong makipaglaban para lang sa iyong gusto

Handa ako na sumugal handang mamatay para sa iyo kung kailangan

Ako ang superhero mo handa kang ipaglaban

Saan man handa kitang samahan

Tawaging lang ako 'pag may kailangan

Ikaw ang lahat at kahinaan

Kaya hinding hindi pababayaan

Nasaan ka man mapupuntahan

Sa panganib man na mayroong hadlang 'di aatrasan

Lagi lang nasa iyong likuran masasandalan

Nakahanda kang paglingkuran at gagabayan

Dahil walang katumbas sa akin ang katulad mo

Lagi kang iingatan saan mang sulok ng mundo

Palagi mong isipin na nandito lang ako

Handa kang ipaglaban kahit ikapahamak ko para sa'yo kasi

Ikaw ang naging dahilan

Ikaw ang dahilan kung ba't may

Pinaghuhugutan at pinagkukunan ng lakas ng loob

Tatag ng paninindigan na kahit anong mangyari

Magsisilbi mong sandigan

Tigapagligtas mo ako

Anumang oras kailanganin mo ay heto

Wala nang pwede pang ibang makapanakit sa'yo

At isang tawag lang nand'yan agad ako asahan mo

Prinsesa ka para sa akin

Ako'y aliping superhero na magiting

Ako din ang magiging kakampi sa lahat mananatiling

Nakasunod nakamasid sa'yo saan ka man makarating

Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo

Handa akong makipaglaban para lang sa iyong gusto

Handa ako na sumugal handang mamatay para sa iyo kung kailangan

Ako ang superhero mo handa kang ipaglaban

Basta tawagin mo lang ang pangalan ko

Tawagin mo ako kapag kailangan mo

Sa oras na masama ang kalagayan mo

Parating na ako 'wag kang tatakbo

Nandito lang ako habang nand'yan ka

'Di kasi ako papayag masaktan ka

Kung pwede lang na araw-araw bantayan ka

Para kung aalis ka man ay masamahan ka

Sa lakad mo 'wag ka nang mangaba

Nandito lang ako ikaw ay kumalma

Kasama mo ako 'wag kang mataranta

Yayakapin kita kapag kinakabahan ka

Hindi ko hahayaang mapahamak ka

Anumang mangyari ay ipaglalaban ka