Ngayon Lyrics
Ngayon (现在) - Basil Valdez
Written by:Canseco/George
Ahh ahh
Ahh ahh ahh
Ooh ooh ooh
Ooh
Ngayon ang simula
Ng
Hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo'y
Bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tama't mahusay
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka't magpunyagi
Maging aral bawat mali
Ngayon bago ito ay maging kahapon kahapon
Ang pagkakataon sana'y huwag itapon ooh
Ay may dapithapon
Baka ika'y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
Kayganda ng buhay ngayon
Sa buhay mong hiram mo
Ang kapit kapit
May bukas na sa yo'y di na rin sasapit ooh
Ngayo'y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas di sumapit pa
Ang naabot mo'y langit na
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo'y matibay
Dahil ang sandiga'y ngayon
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo'y matibay
Dahil ang sandiga'y ngayon