Gaano Kadalas Ang Minsan Lyrics
Gaano Kadalas Ang Minsan - Vina Morales
Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan
Sindalas na rin ng dami ng bituin waring walang hanggan
Dahil sa labi ko lagi mararamdaman
Kahit sandali halik mo'y dumampi minsan
Gaano kadalas ang makapiling kang minsan
Sa 'kiy 'sindalas ng walang wakas saglit man magpisan
Dahil sa ganoong paraan lang mag iisa
Kung magsasanib ang dalawang dibdib 'di ba
Ngunit kung pag ibig ay hindi rin lang wagas
Mabuti pa mabuti nga mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasindalas
Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan
Kahit minsan lang sa 'kiy para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay
Gaano kadalas gaano kadalas ang minsan
Dahil ang pag ibig kung hindi rin lang wagas
Mabuti pa mabuti nga mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasindalas
Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan
Kahit minsan lang sa 'kiy para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay
Gaano kadalas gaano kadalas ang minsan
Gaano kadalas gaano kadalas
Ang minsan