Tinapay Ng Buhay Lyrics
Tinapay Ng Buhay - Bukas Palad
Written by:Fr. Manuel V. Francisco SJ/Silvino Borres SJ/Getty Atienza
Ikaw Hesus ang tinapay ng buhay
Binasbasan hinati't inialay
Buhay na ganap ang sa ami'y kaloob
At pagsasalong walang hanggan
Basbasan ang buhay naming handog
Nawa'y matulad sa pagaalay mo
Buhay na laan nang lubos
Sa mundong sa pagibig ay kapos
Ikaw Hesus ang tinapay ng buhay
Binasbasan hinati't inialay
Buhay na ganap ang sa ami'y kaloob
At pagsasalong walang hanggan
Marapatin sa kapwa maging tinapay
Kagalakan sa nalulumbay
Katarungan sa naaapi
At kanlungan ng bayan mong sawi
Ikaw Hesus ang tinapay ng buhay
Binasbasan hinati't inialay
Buhay na ganap ang sa ami'y kaloob
At pagsasalong walang hanggan
At pagsasalong walang hanggan