Usok (From "The Escort Wife") Lyrics
Isip mo'y unti-unting
Nawawala't nalilito
Ang tulad mo'y parang usok
Unti-unting naglalaho
Tanging hiling ko lang sa 'yo
Nakaraan ay tanggapin
At ang ngayon ay harapin
Ang bukas mo'y darating pa
Kaya't huwag sanang damdamin
'Pagkat ito'y payo lamang
Mula sa akin kaibigan
Na sa 'yo'y nagmamahal
Huwag mong sayangin ang panahon
'Pagkat ito'y may hangganan
Buksan mo ang pintuan
Kasama ng iyong puso
Tinangay na ng hangin
Ang masamang panaginip
Kaya't bigyan mo ng puwang
Ang puso mong nalulumbay
Isip mo'y unti-unting
Nawawala't nalilito
Ang tulad mo'y parang usok
Unti-unting naglalaho
Mga kutob na binalewala ko totoo pala
Yeah yeah
Sa galaw mo at kilos alam ko na may kakaiba
Yeah yeah
Lumipas ang mga araw ramdam kong 'di ka masaya
Kayakap ko ang 'yong katawan
Ngunit ang isip ay nasa iba
Hindi ko na namalayan
'Pag pumupunta 'ko ng bayan
Tsaka n'yo sisimulan
Ang inyong karumaldumal na kahalayan
Hindi naman kita pinabayaan
Ano'ng nangyari sa 'yo
Makapangyarihang ilusyon
Biktima lang din ako
Sa ginawa mo sa 'kin
Buhay ko'y gusto na lang wasakin
Tinangay na ng usok ang isipan
Sarili ko sa'n ko hahanapin
'Di tumatama yung alak ang bagal
'Yung puso ay gusto mamanhid kaagad
Mga alaala'y tinatabunan ng amat
Nararamdamang sakit para maawat
Tinangay na ng hangin
Ang masamang panaginip
Kaya't bigyan mo ng puwang
Ang puso mong nalulumbay
Isip mo'y unti-unting
Nawawala't nalilito
Ang tulad mo'y parang usok
Unti-unting naglalaho