
Ganyan Ako Lyrics
Ganyan Ako - Willie Revillame (威利·雷维拉梅)
Lyrics by:Lito Camo
Composed by:Lito Camo
Sakyan mo lang ang gusto ko
Kahit ano gagawin ko
Nandyan ako sa tabi mo
Naglalambing lagi sa'yo
Na parang halamang sabik sa patak ng ulan
Tulad ng pusong tigang na laging nag-aabang sa'yo
Masdan mo masdan mo ang bituin sa langit
Ganyan ako kumikinang sa t'wing kasama ka
Tignan mo tingnan mo ang bulaklak sa hardin
Ganyan ako gumaganda bumabango kapag kasama ka
Hagkan mo man ang labi ko
Ako'y hindi iiwas sa'yo
Lumapit ka yakapin mo
Maghihintay lamang ako
Di kayang tumanggi ng damdamin
Sa bawat gusto mo
Alipin ako ng pagsinta mong pinapangarap ko
Masdan mo masdan mo ang bituin sa langit
Ganyan ako kumikinang sa t'wing kasama ka
Tignan mo tignan mo ang bulaklak sa hardin
Ganyan ako gumaganda na-iin-love sa t'wing kasama ka
Masdan mo masdan mo ang bituin sa langit
Ganyan ako kumikislap sa t'wing kasama ka
Tignan mo tignan mo ang bulaklak sa hardin
Ganyan ako gumaganda na-iin-love sa t'wing kasama ka masdan mo
Na-iin-love sa t'wing kasama ka ganyan ako ganyan ako
Na-iin-love sa t'wing kasama ka
Ganyan ako