Listen to Bakit Mo Ako Iniwan song with lyrics from Various

Bakit Mo Ako Iniwan

Various, Kejs, Loraine, Mhyre8 Dec 2015

Bakit Mo Ako Iniwan Lyrics

'Di ba sabi ko sa 'yo

Ang puso kong ito ay para lang sa isang taong katulad mo

Mahal pakinggan mo ang awit ko sa 'yo

Na sinasabi na ikaw ay iniibig ko

Sa piling mo'y langit ang nararamdaman

Ngunit ngayon ay pasakit at luha na lang ang iniwan mo

Ano ba'ng kasalanan ko binigay naman lahat ng gusto mo

'Kala ko walang iwanan sana'y nagsabi man lang

'Di 'yung basta na lang ako iiwan oh

Sabi mo sandali ka lang mawawala

Ngunit 'di na nagpakitang muli

Ano ba'ng kasalanan ng katulad ko sa 'yo

Bakit mo ako iniwan 'yan ang tanong

Pinaniwala mo ako sa matamis mong salita

Na walang makakapigil sa pag-ibig

Tanging ako lang ang 'yong mahal

Ngunit nasa'n ka ngayon 'di mo na nga nilingon

Bago na ba ang iyong kasintahan

 

'Wag ka na sanang magpaligoy-ligoy tapatin mo na 'ko

Ang sakit kasing nalaman ko pa sa iba

Kung sinabi mo agad 'di na sana 'di na sana ako nagtatanong

Sabi mo sandali ka lang mawawala

Ngunit 'di na nagpakitang muli

Ano ba'ng kasalanan ng katulad ko sa 'yo

Bakit mo ako iniwan 'yan ang tanong

Sabi mo sandali ka lang sabi mo ika'y akin lang

Sa 'yo na rin nanggaling na 'di ka iibig sa iba

Ngunit ang tagal mo nang hindi nagpapakita

Tinatanong kita sa 'yo ako'y nagkamali ba

Bakit 'di ka makaimik

Eh ni hindi mo ako matitigan sa mata

Pabulong ka palagi kapag nagsalita

Ewan ko hindi ka naman inaano

Parang tinatago mo sa 'kin hanapin

Bugtong na walang sagot babasahin

Masuwerte kung yakapin kung 'bubulong mo sa 'kin

Ang dahilan kung bakit 'di ka na bumalik

Sabi mo sandali ka lang mawawala

Ngunit 'di na nagpakitang muli

Ano ba'ng kasalanan ng katulad ko sa 'yo

Bakit mo ako iniwan 'yan ang tanong

Sabi mo sandali ka lang mawawala

Ngunit 'di na nagpakitang muli

Ano ba'ng kasalanan ng katulad ko sa 'yo

 

Bakit mo ako iniwan 'yan ang tanong