Listen to Buwan song with lyrics from Cacai Velasquez

Buwan

Cacai Velasquez30 Nov 2014

Buwan Lyrics

Buwan - Cacai Velasquez

Nakaupo sa may bintana

Habang hinihintay ka

Ganda ng langit ay pinagmamasdan

Araw'y nagpapaalam na

Unti-unting naglaho ang liwanag

Bituin ay nagdatingan

Mga mata'y nakamasid

Sa nag-iisang

Nakasilip na buwan

Nakaupo sa may bintana

Habang pinapangarap ka

Pangungulila'y labis nang nadarama

Sana'y magbalik na

Araw at buwan ay nagbalikan na

Upang ako ay bantayan

Ngunit wala ka pa rin

Ang tangi kong kapiling

Ay ang liwanag nang nakasilip na buwan

Ilang buwan na rin ang nagdaan

Mula ng ika'y lumisan

Saksi ang buwan ng ako'y pangakuang

Magbabalik sa pagbabalik ng liwanag ng langit

Mga bitui'y kumukutitap

Waring sila'y nagsasaya

Ngunit katulad ko tuwina'y nag iisa

Magsumbong man sa kanya walang magagawa

Kundi ang lumuha

Ilang buwan na rin ang nagdaan

Mula ng ika'y lumisan

Saksi ang buwan ng ako'y pangakuang

Magbabalik ooh

Magbabalik

Sa pagbabalik

Ng liwanag ng langit

 

Nakaupo sa may bintana