Listen to Walang Pagmamaliw song with lyrics from May Bayot

Walang Pagmamaliw

May Bayot9 Sep 2015

Walang Pagmamaliw Lyrics

Walang Pagmamaliw - May Bayot

Written by:Manuel V. Francisco SJ/Roy Tolentino

 

Nagbabago ang kalikasan

 

Naglalaho ang kagandahan

 

Binabago ng panahon

 

Pati kahulugan ng kahapon

 

Kumukupas ang karangalan

 

Nalilimot ang pangalan

 

Kung lahat na lang lumilipas

 

Ano kaya'ng di maaagnas

Isa lang ang di nagmamaliw

 

Ang pag ibig mo giliw

 

Sa mundong walang katiyakan

Pag ibig mo'y tanging sandigan

Anuman ang aking sapitin

 

Makakaya ko'ng pasanin

Ipabatid mo lang sa akin

 

Ako'y mahal mo pa rin

 

Masumpungin ang damdamin

 

Malambing at matampuhin

 

Kung nagmamaliw ang pangako

 

Saan kaya di mabibigo

Isa lang ang di nagmamaliw

 

Ang pag ibig mo giliw

 

Sa mundong walang katiyakan

Pag ibig mo'y tanging sandigan

 

Anuman ang aking sapitin

 

Makakaya ko'ng pasanin

Ipabatid mo lang sa akin

Ako'y mahal mo pa rin

 

Sa mundong walang katiyakan

 

Pag ibig mo'y tanging sandigan

 

Anuman ang aking sapitin

Makakaya ko'ng pasanin

Ipabatid mo lang sa akin

 

Ako'y mahal mo

 

 

Pa rin

Popular Songs