收聽Stick Figgas的Ubasan歌詞歌曲

Ubasan

Stick Figgas2023年6月26日

Ubasan 歌詞

Ubasan - Stick Figgas

Written by:Marlon "Loonie" Peroramas/Ron Henley/Juan Carlos Sebastian/Alexander Calinawan

 

Loonie:

Ito'y nangyari sakin dati sa isang piging sa pasig

May isang marikit na dalagitang nang aakit

Dikit pa ng dikit sa akin ng biglang lumapit

Binigyan ako ng candy sh*t bibig ang gamit

Sabi nya tigasan ka puso ko ay tumalon

Di ko kase alam kung utos ba yon o tanong

Sakit sa ulo bumukol ang maong kong pantalon

Nasasabunutan ang kagubatan kong balbon

Dise otso ka na miss ang bilis ng panahon

E debut ka na buka na ang nakapikit mo na tahong

Basag narin ako sa doobie at nakainom

Kaya unti unting nahulog sa munti nyang patibong

Kinandado ang pinto at sinarado ang bintana

Anong gagawin mo pag ikaw na ang niyaya

Alangan naman tumanggi ka pa sa biyaya hala tihaya

 

Pagkagising ko nakita ko sarili ko nasa sahig ako

 

Pano nga ba ako nakatulog kaninong banig ito

 

Wala naman akong ibang maalala

 

Nasan na kaya yung dalagang nakilala kagabi kase pati pitaka ko wala na

Tayo'y magkikita pa kaya sa may ubasan

Sana nandun ka mamaya

Tagu taguan maliwanag ang buwan sa may ubasan

Wag na wag wag na wag kang mawawala

Ron henley:

Papunta ka na ba sana

Kase kung mawawala ka nakakawalang gana

Laliman pa natin ang ating pagkakakilala

Bilangin ang mga bituin habang nakahiga

Sa damuhan dun sa may ubasan kung may dala kang ube

Dyan doobie ayos yan magka uri lang naman ang kulay nyan

Di kita iiwan sa ere kahit pa magkahulihan

Kahit na basahan mo pa ako ng tarot

Walang dahilan para sakin matakot

Pakinggan nalang natin ang paghampas ng alon

Sa lakas ramdam mo yung paghiga ni hatton

Muntik na nga kong masiraan ng bait

Ngayon ganun pala ang lasa ang pait

Impyerno at langit naglapit mga guhit guhit

Ding ding na pantig pantig perpekto ang pagkakabit kabit

 

Pagkagising ko nakita ko sarili ko nasa sahig ako

 

Pano nga ba ako nakatulog kaninong banig ito

 

Wala talaga akong ibang maalala

 

Maliban sa ngiti na nagmula sa mukha nya alas sinko pasado ng umaga

Tayo'y magkikita pa kaya sa may ubasan

Sana nandun ka mamaya

Tagu taguan maliwanag ang buwan sa may ubasan

Wag na wag wag na wag kang mawawala

Tayo'y magkikita pa kaya sa may ubasan

Sana nandun ka mamaya

Tayo tayo lang ang mag pupulutan sa may ubasan

Wag na wag wag na wag kang mawawala

Kumusta ka na bumangon

Nasan ka ngayon umaraw umulan

Libre ako para sayo alam mo yan

Kase mukhang wala ka namang panahon

May pag asa pa kayang mapatingin ka sa akin

Hanggang san ba ako dadalhin nang pagiging mahiyain

Ti tigas lang ako ikaw ang buhay o maglaro nalang tayo at mag rap

Loonie:

Bumibiglang liko dahil tao lang kame

Buhay binata na parang walang mga pake

Kaibigan natin ang dilim wag kang matakot sa gabe

Di lang ikaw nakaitim marami tayong kakampe

Baka pwedeng makatikim wag kang madamot sa karne

Gusto mo rin magpadiin wag ka na ngang mag inarte

Madaling araw na naman kame natapos kagabe

Napakarami kaseng nais magpakamot ng kate

 

Alam kong may lakad ako pero kung tatakbo ako'y patungo sayo

 

Alam kong may lakad ako pero kung tatakbo ako'y patungo sayo

 

Alam kong may lakad ako pero kung tatakbo ako'y patungo sayo

 

Madaling araw na namn kame natapos kagabe

Napakarami kaseng nais magpakamot ng kate

 

Pagkagising ko nakita ko sarili ko nasa sahig ako

 

Pano nga ba ako nakatulog kaninong banig ito

 

Wala parin akong ibang maalala

Abang abang nalang sa susunod pang kabanata nata matuloy lang sana

Tayo'y magkikita pa kaya sa may ubasan

Sana nandun ka mamaya

Tagu taguan maliwanag ang buwan sa may ubasan

Wag na wag wag na wag kang mawawala

Tayo'y magkikita pa kaya sa may ubasan

Sana nandun ka mamaya

Tayo tayo lang ang mag pupulutan sa may ubasan

 

Wag na wag wag na wag kang mawawala