收聽Michael V的Mas Mahal Na Kita Ngayon歌詞歌曲

Mas Mahal Na Kita Ngayon

Michael V2002年1月1日

Mas Mahal Na Kita Ngayon 歌詞

 

Mas Mahal Na Kita Ngayon - Michael V

Hmmmmmm

Mas mahal na kita ngayon

Higit pa kesa noon

Mas mahal na kita ngayon

At sa habang panahon

Wala akong pakialam sa 'king nakaraan

Kahit na ako'y pinagtatawanan

Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon

Dahil

Di mo na 'ko tinutulak sa'ting hagdanan

Di mo na nilalagyan ng lason ang ulam

At sa gabi pag ako'y tulog nang mahimbing

Di mo na ako tinatakpan ng unan

Di mo na sinusubsob ang mukha ko sa kalan

Di mo na 'ko sinisipa sa 'king harapan

At mas makinis na rin ang balat sa dibdib

Dahil hinding hindi mo na 'ko pinakukulam

Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon

Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon

Ho o ho o

Mas mahal na kita ngayon

'Wag ka nang magtatanong

Basta't mahal na kita ngayon

Yan ang lagi kong tugon

Kahit di mo nakikita o nararamdaman

Ang aking tuwa ay walang paglagyan

Ahoo

Ang alam ko lang mas mahal na kita ngayon

Dahil

Di mo na pinapakain ng para sa pusa

Di mo na pinipitik ang mata ng pigsa

At pag sinabi mo sa 'king gupit ko'y maganda

Di na masyadong malakas ang iyong tawa

Di mo na 'ko pinasisinghot ng paminta

Di mo na nilalagyan ng langgam sa tenga

Hindi na kulay dugo ang aking paningin

Dahil hindi na hinihiwa ng blade sa mata

Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon

Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon

Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon

Dahil

Di mo na kinukwentong satanista ako

At ang nanay ko'y nireyp ng isang maligno

Nabawasan na rin ang bukol sa ulo

Dahil hindi mo na'ko pinapalo ng tubo

'Di mo na pinapalayas ng nakahubo

'Di mo na pinapaligo ng bagong kulo

Medyo hindi na rin ako nagmumukhang bungo

Dahil hindi mo na dinodonate ang aking dugo

Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon howohuwohuwo

'Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon

Kahit nasan ka man mas mahal na kita ngayon

Kahit nasan ka man mas mahal na kita ngayon

Ang cute mo naman bagay ka sa iyong

Ataoi

 

Hay salamat