收聽shamrock的Just A Smile Away歌詞歌曲

Just A Smile Away

shamrock2014年3月16日

Just A Smile Away 歌詞

Just A Smile Away - shamrock

Written by:Danny Javier

Mabuti pa ang unan mo kasama 'pag gabi

 

Mabuti pa ang kumot mo kasiping sa tabi

 

Sa pag uwi mo sila ang 'yong kasama

 

At sa pagtulog wala nang iba

 

Ah 'yan ba nama'y pagseselosan ko pa

Kung maaari lang naman

 

Ako na lamang sana ang

 

Maari mong gawin na kumot at unan mo

 

Mabuti pa'ng panyo mo may dampi sa 'yong pisngi

 

At sa tuwing kausap ka'y laging nakangiti

 

Sa pag uwi ko 'yan ang naaalala

 

At sa pagtulog wala nang iba

 

Ah 'yan ba nama'y malilimutan ko pa

 

Kung maaari lang naman

 

Ako na lamang sana ang

 

Maari mong gawin na kumot at unan mo

 

Pangarap kita

 

Kahit papa'no pa kita isipin

 

Pangarap kita

Dinggin mo sana ang aking awitin

 

Pangarap kita

 

Gawin mo sana akong pangarap mo rin

 

Mabuti pa ang baso may tikim ng 'yong halik

 

Naiinggit ang labi kong laging nananabik

 

Sa 'king paggising 'yan ang naaalala

 

Tuwing umaga

 

Wala nang iba

 

Ah 'yan ba nama'y maiiwasan ko pa

Kung maaari lang naman

 

Ako na lamang sana ang

 

Maari mong gawin na kumot at unan mo

 

Kumot at unan mo

Kumot at unan mo

 

Kumot at unan mo