Unang Sayaw 歌詞
Unang Sayaw - Nobita
Composed by:NOBITA
Tumatalon ang puso
Sa tuwa ay patungong
Langit na ata
Ikaw ang kasama
Sa titig pa lang tunaw na
Hawak sa kamay
Wala na akong palag sa
Ay pag-ibig na ata
Sa ilalim ng kalawakan
Pangalan mong isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan
At hawakan aking kamay
Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang
Ako na pala ang 'yong kailangan
At gusto mong pamahalaan
Tila'y rosas na pula
Labi mong nagsasalita
Kay sarap itigil ng oras
Maaari itali't iposas
Ang iyong mga tingin
Labis ang mga ningning
Oh panaginip ka
Ayaw nang gumising pa
Sa ilalim ng kalawakan
Pangalan mong isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan
At hawakan aking kamay
Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang
Ako na pala ang 'yong kailangan
At gusto mong pamahalaan
Sinta naalala mo pa
No'ng unang araw na
Magtagpo ang mga mata
Mga tala sa langit ay bumaba
Tila'y liwanag mo'y nagbabadya
Ng bagyo sa pusong pawala
Oh sinta sana naaalala mo pa
'Yong mga unang
Sayaw nating dalawa
Kasi sa bawat pagpikit
Ng aking mga mata
Hanggang sa huling
Indak ng mga paa
Alam kong habang-buhay
Iibigin kita
Sa ilalim ng kalawakan
Pangalan mong isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan
At hawakan aking kamay
Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang
Ako na pala ang 'yong kailangan
At gusto mong pakasalan

