收聽Gloc-9的Bakit Hindi歌詞歌曲

Bakit Hindi

Gloc-9, Billy Crawford2012年1月1日

Bakit Hindi 歌詞

Bakit Hindi - Gloc-9/Billy Crawford

Written by:Aristotle C. Pollisco

Wag mangarap ng basta simple

At umasa lagi sa libre

 

Bakit hindi Bakit Hindi

Yan ang sabihin sa sarili

Pagbutihan mo ng maigi

Kamustahin kung may imposible

Bakit Hindi Bakit Hindi

Yan ang sabihin sa sarili

 

Dahil lang ba ang mga bagay na nakaharang

 

Sa'yong daraanang hagdanang

Mataas madulas kahit na matumba

Ay hindi mo pababayaan at tuluyang mabahiran ng alinlangan

Bawat hakbang tawirin mo man dagat

Sabayan hanging habagat

Baga't apoy

Bawat patak ng dugo'y

Di mawawalan ng saysay ang mga boses at panaghoy

Dahil ang mga araw na dumarating ang nagsisilbing pag-asa

Sa kanila na sa pait ng buhay nawalan na ng panlasa

Walang trabaho mawalang makain bubungan na tinangay ng hangin

Humahaba na ang listahan sa tindahan ng saging

Lima ang anak mo na sanggol kailangang ipagtanggol

Sa kahirapan na pumupukol isip mo na buhol-buhol

Ano man ang kahantungan palagi mong tatandaan

Kapag hindi ka na bumangon ay dun ka pa lang magiging talunan

Diinan ang tapak sa lupa punasan mo ang luha

Kung hindi ka susuko hinding hindi ka huhupa

Wag mangarap ng basta simple

At umasa lagi sa libre

 

Bakit hindi Bakit Hindi

Yan ang sabihin sa sarili

Pagbutihan mo ng maigi

Kamustahin kung may imposible

Bakit Hindi Bakit Hindi

Yan ang sabihin sa sarili

Bakit Bakit gumigising

Bakit Bakit dumidilat dilat

Hindi pwedeng tumigil kahit mabigat ang buhat buhat

Hindi kumukurap kahit ilang beses ginulat

Hinda nang sumagupa sa lahat ganon kakunat

Ang balat namalat sa lakas ng sigaw

Iangat kumagat lunukin ng hilaw

Higpitan mo lang ang hawak wag na wag kang bibitaw

Ang kalaban mo lang ay walang iba kundi ikaw

Lagi kang magpasalamat na ikaw ay binigyan

Ang isipin mo na lamang ay lamang tiyan din yan

Kahit tuyo na ang halaman sadtyagain mong diligan

Hanggang ikaw ay lumaguna na akala mo Binan

Lahat ng yong naaabot ay pilitin mong higitan

Patilimin ang patalim at maghanda kang gilitan

Kung hindi mo nagawa wag mo na muling tignan

Marami pang pagkakataon ang nasa yong harapan

Wag mangarap ng basta simple

At umasa lagi sa libre sa libre

Bakit hindi Bakit Hindi

Yan ang sabihin sa sarili yan ang sabihin

Pagbutihan mo ng maigi pagbutihan pa

Kamustahin kung may imposible oh-oh-oh

Bakit Hindi Bakit Hindi

Yan ang sabihin sa sarili

Bakit Hindi Bakit Hindi

Yan ang sabihin sa sarili

 

Bakit Hindi Bakit Hindi

 

Yan ang sabihin sa sarili