收聽Bassilyo的Lord Merry Christmas歌詞歌曲

Lord Merry Christmas

Bassilyo, Lyca Gairanod, Darren Espanto, Juan Karlos Labajo2015年11月13日

Lord Merry Christmas 歌詞

Lord Merry Christmas - Bassilyo/Lyca Gairanod/Darren Espanto/Juan Karlos Labajo/Darlene Vibares/Tonton Cabiles/Edray Teodoro

Kinakausap lang kita pero hindi ako uutang

Sapagkat ang pasko araw ng pagbibigayan

Sana inyong pagbigyan ang aming munting hiling

Aming ilalambing kami ay mangangaroling

Sa kalansing ng gitara at tantsang inaalog

Tambol lang ay de lata at batong pinag untog

Mga simple ang tunog pero hahanap hanapin

Aming ihahandog ang mga talento namin

Aming tatanggapin nang bukal sa'ming loob

Sardinas o kape noodles man o pasaload

Kung wala kayong barya ok lang sa amin

At kahit na buo pa yan aming tatanggapin

Sosolohin ko ang blessing naku bad yan

Mas ok magbigay kaysa sa binibigyan

Maghihintay na lang bukas ang mga palad

Basta huwag na huwag mong sasabihin sa'min na

What patawad

Lord merry christmas merry merry christmas

 

Magbigayan magmahalan nang wagas

 

Ipagdiwang ang kapaskuhang walang wakas

Lord merry christmas merry merry christmas

 

Magbigayan magmahalan nang wagas

 

Ipagdiwang ang kapaskuhang walang wakas

Pagkalipas mangaroling sa tabi tabi

Mas excited kami at magsisimbang gabi

Para amin nang masabi ang aming pasasalamat

Sa lahat ng biyaya na iyong pinalasap

Singsarap ng hamon pati na keso de bola

Singsarap ng lechon mapa baboy man o baka

Wala nang sasarap pag kumpleto ang pamilya

Sama sama sa lamesa masaganang noche buena

Sagot mo na lahat ikaw na rin ang ninong

Di kami magpapabayad pero pwede ang donation

Wag ka nang magtanong kung ba't may medyas dun sa house

Ikaw na din ang gaganap na santa claus

Lord merry christmas merry merry christmas

 

Magbigayan magmahalan nang wagas

 

Ipagdiwang ang kapaskuhang walang wakas

Lord merry christmas merry merry christmas

 

Magbigayan magmahalan nang wagas

 

Ipagdiwang ang kapaskuhang walang wakas

Diwa ng pasko ano ba talaga

Di lang biyaya ang mahalaga

Mahalin nating ang bawat isa

Tayo naman ang magpasaya

Iwasan na muna ang mga tampo

Patawarin mo mga kaaway mo

Tuparin mo mga pangako mo

Ang pagbabago isapuso mo

Dapat lahat magpakatapat

Magpasalamat ka pa muna

Huwag kang maatat hwag kang manumbat

At higit sa lahat hwag kang makunat

At lalong aangat ang buhay mo

Sasagana lahat ang buong taon mo

Ipasa sa mga anak at sa mga apo mo

Sa buong mundo maligayang pasko

Lord lord lord merry christmas merry christmas

 

Lo oh oh oh oh oh oh lord

Lord lord lord merry christmas merry christmas

 

Lo oh oh oh oh oh oh lord

 

Patawad merry merry christmas