收聽Sarah Geronimo的Bata, Bata Ano Ang Pangarap Mo?歌詞歌曲

Bata, Bata Ano Ang Pangarap Mo?

Sarah Geronimo2017年4月30日

Bata, Bata Ano Ang Pangarap Mo? 歌詞

 

Brasong payat ang unan

Banig mo ay karton

Nanginginig ka sa ginaw sa higaang karton

Damit mo na gusgusin hindi na nalabhan

Kahapon pa kumain ng mula sa basurahan

Mga batang lansangan sa gubat na aspalto

Kasama ng barkada istambay sa kanto

Ang iba'y nagtitinda ng sampagita't sigarilyo

O namimili naman ng mga bote at dyaryo

Bata, bata, ano ang pangarap mo?

Paglaki mo kaya ika'y maging ano?

Kung nag-aaral sana musmos na katulad mo

Sisibol ang pag-asa ng kabataang Pilipino

Sa likod ng mga pipi, bulat at bingi

Walang pumapansin sa tahimik mong hikbi

Pag-asa ka ng Bayan

Tadhana'y malagim

Hinigop ng buhawi

Nilamon ng dilim

Ooooohhh

Bata, bata, ano ang pangarap mo?

Paglaki mo kaya ika'y maging ano?

Kung nag-aaral sana musmos na katulad mo

Sisibol ang pag-asa ng kabataang Pilipino

Bata, bata, ano ang pangarap mo?

Paglaki mo kaya ika'y maging ano?

Kung nag-aaral sana musmos na katulad mo

Sisibol ang pag-asa ng kabataang Pilipino

Nasadlak ka man ngayon sa hirap at dalita

Pukawin ang pag-asa, maabot ang adhika.

Kahit nagigipit sa Diyos lang ang kapit

Ang magandang bukas sa wakas ay makakamit