Halina, Lumapit Sa Akin 歌詞
Halina, Lumapit Sa Akin - Himig Heswita/Junjun Borres SJ
Written by:Danilo B Isidro SJ
Kaibigan tantuin mong
Isang paglalakbay ang buhay
Sangasangang landas ay may kahirapan
Kung may lungkot o panganib sa yo'y
Biglaang dumalaw
O kung ikaw ay mapagod
Sa bigat ng 'yong pasan
Panginoon ang balingan
Panginoon ang asahan
Wika niya'y halina lumapit sa akin
Kayong mga napapagal aking pagiginhawain
Bigat ng inyong pasanin
Ay aking pagagaangin
Halina halina kaibigan
Lumapit sa akin
Kaibigan tantuin mong
Isang paglalayag ang buhay
Maalon ang dagat at may kalaliman
Kung may unos at may hanging 'di mo
Kayang paglabanan
At sa gabing kadiliman
Ni tala ay walang tanglaw
Panginoon ang balingan
Panginoon ang asahan
Wika niya'y halina lumapit sa akin
Kayong mga napapagal aking pagiginhawain
Bigat ng inyong pasanin
Ay aking pagagaangin
Halina kaibigan
Lumapit sa akin