收聽Juana的This Year歌詞歌曲

This Year

Juana2005年9月9日

This Year 歌詞

This Year - Juana

Nang matapos na'ng mga araw na ika'y sa aking piling iniibig ka pa rin

 

Nang maglaho na ang sikat ng buwan at araw sa tuwing magdamag ikaw pa rin

 

Bakit nga ba 'tong pusong nasugatan

Tila nais paring maramdaman tamis ng yakap mo't halik

Naaalala mo pa ba nung tayo'y magkasama pa

Iyong sinabi't pinangako na nalimot mo na siya

At kahit naglaho ka na muling sumama sa kanya

Sa aking puso ay ikaw pa rin ikaw pa rin

 

Tuwing paggising sa umaga ang iyong mukha ang nais halikan at sambahin

 

Sa maghapon ay iniisip ka lamang at ang mga nakaraan na kay saya

 

Bakit nga ba iyong puso'y sinugatan

Habang pagsisisi ay hindi na kailanman mawawala

Naaalala mo pa ba nung tayo'y magkasama pa

Aking sinabi't pinangako na tayo'y may pag-asa

Ngayon kahit siya'y akin sa kanyang yakap at lambing

Ang ninanais ay ikaw parin ikaw parin

 

Nang matapos na'ng mga araw na ika'y sa aking piling iniibig ka pa rin

 

Nang maglaho na ang sikat ng buwan at araw sa tuwing magdamag ikaw pa rin

Naaalala mo pa ba nung tayo'y magkasama pa

Iyong sinabi't pinangako na nalimot mo na siya

Kahit naglaho ka na muling sumama sa kanya

Sa aking puso ay ikaw pa rin ikaw pa rin

 

Ikaw pa rin

Ikaw pa rin

Ikaw pa rin

 

Ikaw pa rin

 

 

Ikaw pa rin