Orasan Ng Pag-Ibig 歌詞
Orasan Ng Pag-Ibig - Larry Miranda
Written by:P. Maninang
Ala una nang hapon ng tayo ay magkita
Alas dos naman ng tayo ay magka kilala
Alas tres ang wika ko
Giliw mahal kita
In punto alas kwatro noong sumagot ka
Alas singko tayo'y nagtipanang magtatagpo
Upang ipadama ang tunay na pagsuyo
Ngunit ako yata sa'yo'y mabibigo
Ang pag asa nitong aba kong puso ngayo'y naglalaho
Alas sais alas siyete hinihintay hintay kita
O ang dilim nitong gabi sa puso ko ay bumalisa
Ang hindi ko malaman kung napapa'no kana
Aking mahal sa buhay ko hanggang ngayo'y wala ka pa
Wala ka pa wala ka pa
Kaya ngayon ang orasyon sa tuwing aking maririnig
Ay para bang nanunumbat ang orasan ng pag ibig
Pag ganito'ng aking puso sa loob ng aking dibdib
Ay tila ba orasan din
Kasawian bawat pintig