Hanggang Wakas 歌詞
Hanggang Wakas - Juris/Socrates Villanueva
Ahha Kay tagal kong naghanap
Ng isang katulad mo
Katuparan ng pangarap
Ang ako'y mahalin mo
Katangi-tangi kang handog
Ng Maykapal sa akin
Ngayon nagtatanong bakit
Bigla kang babawiin
Kung kailan pa natagpuan
Pag-ibig na walang hanggan
Saka naman puputulin ng isang
Mabigat na karamdaman
Kung puwede lang pigilan
Ang takbo ng sandali
At pahabain mga araw na ika'y
Nandito lang sa aking tabi
Mamahalin pa rin kita
Kahit na alam ko na mawawala ka
Asahan mong pag-ibig ko'y wagas
Tayong dalawa hanggang wakas
Huwag ka nang mag-alala
Na ako'y mag-iisa
Pipilitin kong kayanin masakit
Mang tanggapin
Katangi-tangi kang
Handog ng Maykapal sa akin
Ngayon di na magtatanong
Kung bakit babawiin
Alam ko na ito'y paalam lang
Na pansamantala
Balang araw ikaw rin at ako
Ay muling magkakasama
Kung puwede lang pigilan
Ang takbo ng sandali
At pahabain mga araw na ika'y
Nandito lang sa aking tabi
Mamahalin pa rin kita
Kahit na alam ko na mawawala ka
Asahan mong pag-ibig ko'y wagas
Tayong dalawa hanggang wakas
Asahan mong pag-ibig ko'y wagas
Tayong dalawa hanggang wakas