收聽Bobby Buenconsejo的Halina, Lumapit Sa Akin歌詞歌曲

Halina, Lumapit Sa Akin

Bobby Buenconsejo2015年8月21日

Halina, Lumapit Sa Akin 歌詞

Halina, Lumapit Sa Akin - Rey Malipot/Chris Dumadag SJ

Written by:Danilo B Isidro SJ

Kaibigan tantuin mong

Isang paglalakbay ang buhay

 

Sangasangang landas ay may kahirapan

Kung ang lungkot o panganib sa yo'y

Biglaang dumalaw

 

O kung ikaw ay mapagod

Sa bigat ng 'yong pasan

 

Panginoon ang balingan

Panginoon ang samahan

 

Wika niya'y halina lumapit sa akin

Kayong mga napapagal aking pagiginhawain

 

Bigat ng inyong pasanin

Ay aking pagagaangin

Halina kaibigan

Lumapit sa akin

 

Kaibigan tantuin mong

Isang paglalayag ang buhay

Maalon ang dagat at may kalaliman

Kung may unos at may hanging 'di mo

Kayang labanan

O sa gabing kadiliman

Ni tala ay walang tanglaw

Panginoon ang balingan

Panginoon ang samahan

 

Wika niya'y halina lumapit sa akin

Kayong mga napapagal aking pagiginhawain

 

Bigat ng inyong pasanin

Ay aking pagagaangin

Halina kaibigan

 

Lumapit sa akin