Pakiusap 歌詞

Pakiusap - Cesca/Francesca Johnnae "Cesca" Chua Mahusay

Composed by:Francesca Johnnae "Cesca" Chua Mahusay

Produced by:Roque “Rox” Santos

Ika'y aking anaki

Kalabuan sa pagkinang ng

Dagat at kisap ng buwan

Bawat isa'y magka-kalahati

Nasa atin na ang marahuyong

Balse ng gabi

Siguro bale-wala ang lahat

Ng sikretong binulong mo

Sa akin sa gitna ng dilim

Siguro mas nais mo ang liwanag

Ng nakakasunog niyang piling

Pakiusap na lang

Walang manghihinayang

Dahil siya ang iyong pinili

Sa'king panaginip

Ikaw ang nasa isip

Gusto ko nang magising

Ba't 'di mo nabanggit

Mahal mo na ang siya na

Dumarating at aalis ng bigla

'Di na lalayo sa bukang-liwayway na

'Di marunong magpaalam

At agad mawawala

Tayo ang tanging tahanan ngunit

Bakit mo napag-isipang magpakasakali

Kasalungat ba ang magbubuo

At maghihilom ng pusong may kahati

Pakiusap na lang

Walang manghihinayang

Dahil siya ang iyong pinili

Sa'king panaginip

Ikaw ang nasa isip

Gusto ko nang magising

Bakit parang paulit-ulit lang

Na kay dali-dali kong palitan

Kung kelan ko napag-isipang

Magpakalakas-loob

Ay bigla lang bibitawan

O sinta masisisi

Ba kita

Kung mas mahal mo

Ang siyang 'di mo kilala

O Abad masisisi

Ba kita

Kung yun din ang

Aking ginagawa

Pakiusap muna

Ako ang nararapat

Ngunit 'di mo napansin

Ang ating tadhana

'Di mo masisisi ang

Nais kong pag-alis

 

Na para bang pamahiin