Alumni Homecoming (Live) 歌詞
Alumni Homecoming (Live) - Parokya Ni Edgar
Napatunganga nung bigla kitang nakita
Pagkalipas ng mahabang panahon
Highschool pa tayo nung una kang nakilala
At tandang tanda ko pa
Noon pa may sobrang lupit mo na
Hindi ko lang alam kung pano
Basta biglang nagsama tayo
Di nagtagal ay napa ibig mo ako
Mula umaga hanggang uwian natin
Laging magkasama tayong dalawa
Parang kahapon lang nangyari sa'kin ang lahat
Tila isang dulang medyo romantiko ang banat
Ngunit nang mapag usapan
Bigla na lang nagkahiyaan
Mula noon hindi na tayo nagpansinan
At bakit ko ba pinabayaan
Mawala nang di inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na wala nang nagawa
Panay ang plano ngunit panay ang urong
At inabot na ng dulo ng taon
Graduation natin nung biglang nag absent partner ko
Tadhana nga naman
Naging magpartner tayo
Eksakto na ang timing
Planado na ang sasabihin
Ngunit hanggang huli wala akong nasabi
At bakit ko ba pinabayaan
Mawala nang hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na wala nang nagawa
Napatunganga nung bigla kitang nakita
Pagkalipas ng mahabang panahon
Sobrang alam ko na ang aking sasabihihin
At ako'y napailing sa ganda ng ngiti mo sa'kin
At nang ikaw ay nilapitan
Bigla na lang napaligiran ng yong mga anak
Mula sa pangit mong asawa
At bakit ko ba pinabayaan
Mawala ng hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na wala nang nagawa
At bakit ko ba pinabayaan
Mawala ng hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na wala nang nagawa
Wala nang nagawa
Wala nang nagawa
Wala nang nagawa