收聽Coritha的Lolo Jose歌詞歌曲

Lolo Jose

Coritha2019年4月2日

Lolo Jose 歌詞

Lolo Jose - Various Artists (歐美羣星)

Noong panahong siya ay hari

 

Masigla ang kanyang pagbati

 

Mahigpit ang hawak ng mga daliri

 

At ang lakad nama'y

 

Matuwid

 

Mahusay ang kanyang talumpati

 

Makisig kung siya ay magdamit

 

Malalim ang kanyang

Pagiisip

 

At lahat ay sa kanya nakatitig

 

Ngunit ngayong siya'y pagod na

 

Mahina na rin ang katawan

 

Pinagmamasdan na lamang sa bintana

 

Ang untiunting pagdaloy ng ulan

 

At ang unang tanong sa umaga

 

Kung anoang kanyang nagawa

 

Sa paglipas ng siyamnapung taon

 

Nang siya'y

Malakas at bata pa

 

Si Lolo Jose si Lolo Jose

Si Lolo Jose ay matanda na

 

Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose

Kahit siya ngayon ay laos na

 

Sa piling ng mga alaala

 

Lagi na lamang nagiisa

 

Kahit sulyap walang maaasahan

 

Sa anak na'di man siya mapagbigyan

 

At ang unang tanong sa umaga

 

Kung mayro'n pa siyang magigisnan

 

Na liwanag sa nalalabing buhay

 

Ngayon siya'y

Matanda at laos na

 

Si Lolo Jose si Lolo Jose

Si Lolo Jose ay matanda na

 

Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose

Kahit siya ngayon ay laos na

 

Sa dilim ng kanyang pagaasam

 

Maghapon na lang nakabantay

 

Kung kanyang matatanaw pa ang hiwaga

 

Nang hindi malimot niyang nakaraan

 

At ang diwa ng kahapon

 

'Di na matagpuan

 

At ang sinag ng umaga

Dinaanan ng ulan

 

At ang hirap ng nasa puso

 

'Di na mapapantayan

 

Kung maari lang

 

Maari lang

 

Pawiin ang dusa

 

Si Lolo Jose

Si Lolo Jose

Si Lolo Jose ay matanda na

 

Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose

Kahit siya

 

Ngayon ay laos na