Balang Araw Minette 歌詞
Balang Araw Minette - Jimmy Bondoc
Written by:Jimmy Bondoc/Criss Buenviaje
Kahit tulog ka na Minette
Nakangiti ka pang nakahiga't nakapikit
Naglalaro pang isip mo
Kasama ng mga anino
Nawala sa malay mo na ang
Masayang araw kanina'y tapos na
Tapos nang araw nating masaya
Kaming lahat ay gising pa
Lumuluha kaming
Nakadilat nagtataka
Tahimik na si papa
Naiiyak si mama
Nawala sa malay naming na
Minette ika'y lumalaki na nga
Minette ika'y lumalaki na nga
Balang araw
Hahanapin mo ang pugad ng 'yong katawan
At huhukayin mo ang nakaraan
Saka mo malalaman
Na binuwag na ng hangin
Ang pugad mong gawa sa buhangin
Paggising mo sa umaga
Huwag kang magsusumpong
Dahil Minette mahal kita
Yakapin mo si mama
Kumalong ka kay papa
Inumin mo ang pag ibig na
Ang Panginoon ang nagtimpla
Minette minamahal kang talaga
Balang araw
Hahanapin mo ang pugad ng 'yong katawan
At huhukayin mo ang nakaraan
Saka mo malalaman
Na binuwag na ng hangin
Ang pugad mong gawa sa buhangin
Balang araw
Hahanapin mo ang pugad ng 'yong katawan
At huhukayin mo ang nakaraan
Saka mo malalaman
Na binuwag na ng hangin
Ang pugad mong
Ang pugad mong
Ang pugad mo ay sa puso namin