Buwelo 歌詞
Buwelo - Jireh Lim
Written by:John Jireh Lim
Nakatulala tuwing gabi
Iniisip ang 'yong mga ngiti
Damdamin ay hindi mapakali
Ang puso ay bumibilis ang pintig
Sa bawat oras na nakikita ka
Paligid ko'y nag iiba ang pinta
Malayo pa lang tanaw na kita
Sabay tago pagsulyap ng 'yong mga mata
Hinahanap pag wala ka
Pag andyan ka na ay di na ako makasalita
Nananabik makatabi pero nanlalambot ang tuhod pag nandyan ka
Wala akong maibuga nakatingin sa sahig pag malapit ka na
Naisip kong sumulat na lang
Doon ko ipahiwatig sayo
Damdamin kong hindi mapakawalan
Hanggang tingin na lang ba ako sayo
Hinahanap pag wala ka
Pag nandyan ka na ay hindi na ako makasalita
Nananabik makatabi pero nanlalambot ang tuhod pag nandyan ka
Wala akong maibuga nakatingin sa sahig pag malapit ka na
Sinasabi ko nga na bumebwelo lang ako
Araw araw na ganto maitatago ko pa kaya ito
Nananabik makatabi pero nanlalambot ang tuhod pag nandyan ka
Wala akong maibuga nakatingin sa sahig pag malapit
Nananabik makatabi pero nanlalambot ang tuhod pag nandyan ka
Wala akong maibuga nakatingin sa sahig pag malapit ka na
Hindi ako torpe
Hindi ako torpe
Hindi ako torpe
Bumubwelo lang ako