收聽Gloc 9的Katulad Ng Iba歌詞歌曲

Katulad Ng Iba

Gloc 9, Zia Quizon2013年1月1日

Katulad Ng Iba 歌詞

Katulad Ng Iba - Gloc 9/Zia Quizon

Written by:Aristotle C. Pollisco

Hindi lahat ng mahina

Nananatiling mahina

Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas

Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina

Mata mo'y iyong buksan bangon ka't makialam

Paggising sa umaga parang ayaw kong bangon

Ayoko nang maligo tapos na ko kahapon

Ubusin ang almusal binabagalan lumamon

Hindi natutuwa kahit pa dagdagan ang baon

Palaging walang kibo tahimik sa gabi

Hindi ako nakatulog ng magdamag buong gabi

Bilisan mo nang kilos baka ka mahuli

Anak bakit ka tulala Lumalamig na ang kape

Di ko alam ang gagawin ayoko ng pumasok

Hindi naman mabaho bakit nakakasulasok

Merong mga nangyayari satin sa paaralan

Hindi bukas makalawa ngayon dapat solusyonan

Hindi lahat ng mahina nananatiling mahina

Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas

Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina

Mata mo'y iyong buksan bangon ka't makialam

Ano'ng iyong napapala pagnanapak ka sa mukha

Maliliit tinatabunan ng tadyak sabay dura

Laging pinapagtulakan hanggang sila'y madapa

Na parang di mo alam ang salitang mapagkumbaba

Unipormeng maputi papahiran ng dumi

Pinunit ang takdang aralin kong tinapos kagabi

Minsan ako'y napapa isip di ko maisang tabi

Pakikipagkapwa tao ba sayo ay guni guni

Kaibigan isa lamang ang dapat mong tandaan

Nawa'y ang putik mong tinapakan ay di ka balikan

Dahil ang nagmamataas kahit na may dahilan

Ay ang siyang nadudulas upang lupa'y halikan

Ang ibinababa ang siyang tinataas

Ang nagmamataas ang siyang nadudulas

Ang ibinababa ang siyang tinataas

Ang nagmamataas ang siyang nadudulas

Tayo'y maging mapagmasid tulungan natin sila

Wag tayong maging manhid na katulad ng iba