收聽Dionela的153歌詞歌曲

153

Dionela2022年11月4日

153 歌詞

153 - Dionela

Lyrics by:Tim Dionela

Composed by:Tim Dionela

Bakit napatid nung napatid kulay pulang

Tali nating nakabigkis dati sating dalawa

Likas sa tuwing lumikas pag bagyo'y nagbabadya

Bakit ngayon tahanan natin ay nawawala

Walang ibang galaw kundi ang bumitaw

Mga paro-paro sa tiyan ko ay naging barang

Walang maling galaw nung meron pang ikaw

Nagsilbing mapa ngunit bat ako'y iniligaw

Bakit ganito

Sinanay moko tas bigla kang lumayo

Wala nang bisa yung isa apat tatlo

Eto wala na ngang tumitibok sa dibdib ko

Baka naiwan ko sayo

Lipad lipad paro-paro lipad

Lipad lipad paro-paro lipad

Lipad lipad paro-paro lipad

Lipad lipad paro-paro lipad

Pwede naman ang kapit patalimin

Yelo na yung dati na mainit

Musika ay tila tumahimik

Kaya mo naman palang umayaw

Bakit kapa sumama sakin palayo

Pero chill lang diba bat ka lumiko

Pano na lakad na sayo sulo't dala palayo

Ngayon sa dilim ako nakatayo

Walang ibang galaw kundi ang bumitaw

Mga paro-paro sa tiyan ko ay naging barang

Walang maling galaw nung meron pang ikaw

Nagsilbing mapa ngunit bat ako'y iniligaw

Bakit ganito

Sinanay moko tas bigla kang lumayo

Wala nang bisa yung isa apat tatlo

 

Eto wala na ngang tumitibok sa dibdib ko

Baka naiwan ko sayo

Lipad lipad paro-paro lipad

Lipad lipad paro-paro lipad

Lipad lipad paro-paro lipad

Lipad lipad paro-paro lipad

Ako ang nasa dulo ng bahaghari

Langit ay hindi na saking labi

Pwede pa bang akinin

 

Ang nawala mong pagtingin

 

Dating tunay ngayon naging kunware

 

Puso mong iba na ang may-ari

Ako'y aasang dadating

 

 

Araw na ika'y babalik